FANDOM

1,940,370 Pages

StarIconGreen
LangIcon
Bulag, Pipi At Bingi

This song is by Yeng Constantino and appears on the album Salamat (2007).

Madilim ang 'yong paligid, hating-gabing walang hanggan
Anyo at kulay ng mundo sa'yoy pinagkaitan
Huwag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan
Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan

(Chorus)
Di nalalayo sa'yo ang tunay na mundo
Marami sa ami'y nabubuhay mang tulad mo
'Di makita, 'di marinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangan na buhay na banal

Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin


Sigaw ng puso't damdamin wala sa'yong pumapansin
Sampung daliri, kaibigan, d'yan ka nila pakikinggan
Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman

(Repeat Chorus)

Ano sa'yo ang musika, sa'yo ba'y mahalaga
Matahimik mong paligid, awitan ay 'di madinig
Mapala ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo
Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo

(Repeat Chorus 2x)

External links