FANDOM

1,928,698 Pages

StarIconGreen
LangIcon
​Babalikang Muli

This song is by Regine Velasquez and appears on the album Reason Enough (1993).

BABALIKANG MULI
Composed By: Kenjiro Sakiya - Larry Chua

Pinilit kong limutin ka
nang iwan mong bigo ang puso ko
Nilimot na kita
sa buhay kong mag-isa
Nguni't bakit ngayo'y
ikaw pa rin ang hinahanap ko

Babalikang muli mga araw at sandali
Kahit wala ka sa king piling
Iniibig kita
Yan ang sigaw ng puso ko
Saan ka man naroroon pa

Una pa lang nakita ka
ang buhay ko'y laan na sa iyo
Kapwa tayo hibang
nangakong mag-iibigan
Binigay ko'ng lahat
Minahal ka nang buong tapat

Babalikang muli mga araw at sandali
Kahit wala ka sa king piling iniibig kita
Yan ang sigaw ng puso ko
Saan ka man naroroon pa

Hindi kahit 'sang saglit
Mawawaglit sa puso kahit kailan

Babalikang muli kahit ako'y nasasaktan
Hindi kita malilimutan
Kahit na sabihin
Na luluhang muli sa 'yo
Ibabalik ko ang kahapon

Aah Babalikang muli mga araw at sandali
Kahit wala ka sa king piling iibigin ka
Sigaw ng puso ko
Mahal pa rin kita
Saan ka man naroroon pa