FANDOM

1,949,273 Pages

StarIconGreen
LangIcon
Langit Ang Ibigin Ka

This song is by Jolina Magdangal and appears on the album Jolina Sings The Masters (2002).

Langit pala ang umiibig
Makulay ang bawat paligid
Palaging ikaw ang nasa isipan ko

Ligaya'y wala nang katulad
Puno ng saya ang pangarap
Ang bawat saglit ay laging nakikita ka

Wala akong ibang hinahangad
Wala ring hinahanap
Basta't ang nais ko'y kapiling kita
Ikaw ang ligaya, ikaw ang pag-asa
Hindi ko kailangan ang pag-ibig nang iba
Ikaw ang dalangin, ikaw lamang sa akin
Dahil wala na ngang iba
Sa akin langit ang ibigin ka

Langit pala ang umibig
Makulay ang bawat paligid
At laging ikaw ang nasa isipan ko

Ligaya'y wala nang katulad
Puno ng saya ang pangarap
Kung bawat saglit ay laging nakikita ka

Wala akong ibang hinahangad
Wala ring hinahanap
Basta't ang nais ko'y kapiling kita
Ikaw ang ligaya, ikaw ang pag-asa
Hindi ko kailangan ang pag-ibig nang iba
Ikaw ang dalangin, ikaw lamang sa akin
Dahil wala na ngang iba
Sa akin langit ang ibigin ka

Ibigin ka...

Ikaw ang ligaya, ikaw ang pag-asa
Hindi ko kailangan ang pag-ibig nang iba
Ikaw ang dalangin, ikaw lamang sa akin
Dahil wala na ngang iba
Sa akin langit ang ibigin ka