FANDOM

1,927,786 Pages

StarIconGreen
LangIcon
​Kasalanan Nga Ba?

This song is by Gretchen Espina.

Dapat bang limutin ang nakaraan?
Anong gagawin kung ito'y walang hanggan?
'Wag sanang hayaan na maging hadlang
Ang pag-ibig kong ito na alay ko sayo

Nag-iisa ako't nagdaramdam
Nagtatanong ang puso ko
Na sadyang walang alam

Kasalanan nga bang
Ako ay magmahal sa isang katulad mo?
Buti pa ang ulan luha ko'y hinagkan
Upang kahit sandali mawala
Mawala ang dinaramdam

Sayang ang lahat sa ating panahon
Akala ko noon tayo pa hanggang ngayon
Bakit ako ngayon ay nagtitiis?
Umaasa parin sa isang katulad mo

Nag-iisa ako't nagdaramdam
Nagtatanong ang puso ko
Na sadyang walang alam

Kasalanan nga bang
Ako ay magmahal sa isang katulad mo?
Buti pa ang ulan luha ko'y hinagkan
Upang kahit sandali mawala
Mawala ang dinaramdam

Kasalanan nga bang
Ako ay magmahal sa isang katulad mo?
Buti pa ang ulan luha ko'y hinagkan
Upang kahit sandali mawala
Mawala ang dinaramdam