Wikia

LyricWiki

Freestyle:Bakit Lyrics

Talk0
2,000,162pages on
this wiki
Freestyle
StarIconGreen
This song is performed by Freestyle.
BAKIT
Cookie and gloc9

****bakit hinahanap ka?
bakit tinatawag ang yong pangalan?

Nang una kitang makita sa may ermita
Hindi ko na namalayan kung bakit
na para bang ako'y naakit nang ika'y lumapit
tinanong ko ang yong pangalan at ang yong telepono
pero sabi mo di mo kinakausap
ang mga katulad kong walang pera
walang kotse di dobledoble ang cell

pero teka muna miss wag kang mabilis lumakad
di naman ako manyakis at walang labis
walang kulang ang sinukli ko sayo
balooooot! heto pa sige dalhin mo na lang sa iyo
kahit na wala akong kitain walang makain
basta't alam mo lang kung gaano kahalaga sa akin ang ikaw
ay mapaglingkuran at mapagsilbihan
ipagpatawd mo sana ako man ay naguguluhan

sa loob ng aking kwarto't sa loob ng banyo
kung alam mo lamang ang dami ng mga litratong
kinunan ko sa may kanto at ipinakwadro ko pa
nang sa ganoon ay lagi tayong magkasama
araw man o gabi kahit sandali sa hirap o ginhawa

ikaw at ako magpakailanman na para bang
mga palabas sa sine, alam ko na para bang imposible
pero pwede ka bang mailibre sa kanto ng lugaw
palamig, siomai o siopao?
baka pwedeng huwag kang masyadong matakw
sige na nga pero pwede bang dumalaw?
pagmamahal ko sana ay tanggapin mo
pero kung itataboy mo ay ikamamatay
ikamamatay ko

siguro naman ngayon nadama mo na
kung gaano kawagas ang aking pag-ibig
simula sa laman hanggang sa litid
kailaliman ay sinisisid
pero bakit ginamit puro luha at pasakit
makalipas ang mahabang panahon
ang aking pagmamahal ay napalitan ng galit
nang makita kita na may kasamang iba
may dala-dala pa naman akong regalong
matagal kong pinag-ipunan, kinuha sa alkansya
naglalakad habang lumuluha
tinititigan ang lupa
sinungaling ang mga baraha na tinanong
hindi naman natupad ang kanilang mga hula
wala nang dahilan para mabuhay
naging abo, wala nang kulay
akala ko noong una tayo nang dalawa
ilang taon din naman akong naghintay
paalam na aking mahal
ako ay di na magtatagal
at tanging ang iyong pagbabalik
ang siyang aking ipagdarasal

siguro naman ngayon nadama mo na
kung gaano kawagas ang aking pag-ibig
simula sa laman hanggang sa litid
kailaliman ay sinisisid
pero bakit ginamit puro luha at pasakit
makalipas ang mahabang panahon
ang aking pagmamahal ay napalitan ng galit
nang makita kita na may kasamang iba
may dala-dala pa naman akong regalong
matagal kong pinag-ipunan, kinuha sa alkansya
naglalakad habang lumuluha
tinititigan ang lupa
sinungaling ang mga baraha na tinanong
hindi naman natupad ang kanilang mga hula
wala nang dahilan para mabuhay
naging abo, wala nang kulay
akala ko noong una tayo nang dalawa
ilang taon din naman akong naghintay
paalam na aking mahal
ako ay di na magtatagal
at tanging ang iyong pagbabalik
ang siyang aking ipagdarasal

Around Wikia's network

Random Wiki