Dati'y walang takot kang sumubok Ng kahit anong gawain Walang kasawa-sawa sa mga bagay-bagay Di na kailangang isipin Kung anong mangyayari Walang pakialam kahit anong kalabasan Sa oras na tanso, di nanghihinayang Heto na ngayon, punong puno ang utak Ang daming ninanais, ang daming kailangan Pero walang panahon
Slow, it hurts so fine Slow, im killing time My lemon lime
Ang mga tao sa buhay mo Ay nagdaraan lamang Umaalis, dumarating, walang naiiwan Ang kwento ng pag-ibig Ay kumusta at paalam Ngayo'y alam mo na kung paano mag-isa Natagpuan ang kasagutan Sa mga katanungan Lahat ay nangyayari tamang oras at lugar pero iba ang nasasabi Unti-unti mo nang naiintindihan Ang payo ng magulang
Slow, it hurts so fine Slow, im killing time My lemon lime
Di mo kailangan unawain Ang aking mga gawain Di mo pwedeng ikahon ang pagod at puyat ko Kung may nais kang malaman Ba't di mo rin subukan Makinig ka nang mabuti, tumatanda na ang pusa ko Kahihintay sa linya ng telepono
Slow, it hurts so fine Slow, im killing time My lemon lime